Taas presyo sa mga produktong petrolyo ang tiyak na sasalubong sa mga motorista ngayong linggong ito.
Ayon sa source ng DWIZ sa industriya ng langis, maglalaro sa nobenta sentimos hanggang piso ang inaasahang taas presyo sa kada litro ng diesel at kerosene.
Habang maglalaro naman sa otsenta hanggang nobenta sentimos ang inaasahang taas presyo sa kada litro ng gasoline.
Panibagong oil price increase na ito ay bunsod pa rin ng malikot na presyuhan ng krudo sa world market.
Samantala, nagpatupad din ng umento sa presyo ng kada kilo ng kanilang LPG o Liquefied Petroleum Gas ang kumpaniyang Petron ngayong araw.
Epektibo alas dose uno kaninang madaling araw, beinte singko sentimos kada kilo ang ipinatupad na umento ng Petron o katumbas ng dalawang piso at pitumpu’t limang sentimos na dagdag sa kada labing isang kilong tangke ng LPG.
Kasunod nito, mayroon ding labinlimang sentimong dagdag presyo ng ipinatupad ang Petron sa kada litro ng kanilang auto LPG.