Nagpatupad ang Petron ng rollback sa kanilang LPG at auto LPG ngayong araw.
Epektibo kaninang alas-12:01 ng hatinggabi, P5.00 ang itinapyas ng Petron sa kada kilo ng kanilang Gasul at Fiesta Gas.
Dalawang piso at walumpung sentimo (P2.80) naman ang ibinawas ng Petron sa kanilang Xtend Auto LPG.
Ang naturang rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.
By Ralph Obina