Isinasapinal na ng pamahalaan ang petsa kung kailan sisimulan ang ipatutupad na granular lockdowns sa gitna ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Anio, pinagpipilian nila kung sa a-8 o a-13 ng Setyembre sisimulang ipatupad ang paggamit ng granular lockdowns sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa halip na umiiral na quarantine classifications.
Ayon kay Anio, nais nilang mabigyan ng pagkakataon ang mga Local Government Units (LGUs) na makapaghanda sa naturang polisiya.
Bukod dito, magtatapos na rin sa Setyembrea ng isang taong state of calamity na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte bunsod ng COVID-19 pandemic.
Magugunitang, sa mga nakalipas na isang taon, umiikot lamang ang quarantine classification sa bansa na Enhanced Community Quarantine (ECQ), General Community Quarantine (GCQ) at Modified GCQ.