Isasapinal na ngayong araw, a-29 ng Hulyo ang petsa o araw kung kailan itatakda ang unang padginig sa panibagong isyu ng katiwalian at miss management sa PhilHealth.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, pag-uusapan pa nila ni Senate President Vicente Sotto III kung sa a-3 o a-4 ng Agosto, isasagawa ang pagdinig hinggil sa isyu.
Ito’y makaraang may mga hindi credited na ospital na may iilang mga covidpatient ang nabigyan ng 100-milyung pondo ng PhilHealth sa ilalim ng IRM o interim reimbursement mechanism.
Habang may mga credited hospital na maraming covid patient ang hirap na hirap na makapag reimburse nito.
Nauna rito, inaprubanan na sa plenaryo ang resolusyon na inakda nina Sotto at Lacson na naglalayong mag-convene sila bilang committee of the whole para busisiin ang sinasabing panibagong scam sa ahensya.
Kasunod nito, kabilang sa inaasahang ipapatawag sa pagdinig ay sina PhilHealth President at CEO Ricardo Morales, ang nagbitiw na anti-fraud legal officer na si Atty. Thorrson Montes Keith, at Health Secretary Francisco Duque III. —ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)