Kasado na ang petsa nang pagbubukas ng klase ngayong school year 2021-2022.
Ayon kay Education Undersecretary Annalyn Sevilla ,ang panukala nila kaugnay sa pagbubukas ng klase ay ilalatag sa Pangulong Rodrigo Duterte at sa gabinete para kanilang pag apruba.
Sinabi ni Sevilla na isa lamang sa mga option ang lumutang na pagbubukas ng klase sa Agosto 23 dahil mayroon namang mandato ang DEPED na buksan ang klase ng hindi lalampas ng Agosto maliban na lamang kung may ibang direktiba ang pangulo hinggil dito.
Hulyo 2020 nang lagdaan ng Pangulong Duterte ang Republic Act 11480 na nagpapahintulot sa Chief Executive na itakda kahit kailan ang petsa nang pagbubukas ng klase sa panahon ng kalamidad o emergency.