Ipinagpaliban na ng korte suprema ang bar examinations na nakatakda sana ngayong taon.
Sa bar bulletin ni Bar Chairperson at Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, sa halip na tuwing Nobyembre, iniatras ang pagsasagawa ng pagsusulit sa Enero 16, 23, 30 at Pebrero 6, 2022.
Nagdesisyon ang SC na suspendihin ngayong taon ang bar exams matapos ikonsidera ang kasalukuyang sitwasyon sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.
Gayunman, magpapatuloy ang lahat ng preparasyon para sa gaya ng pagpili ng bar applicants ng kanilang testing venue at pag-download sa secure exam delivery program at iba pang preparatory activities.
Ang 2020-2021 bar exams ang magiging kauna-unahang digitized, localized at protoctored bar examinations sa bansa.—sa panulat ni Drew Nacino