Nagtakda ng bagong coronation date ang Miss World Organization matapos ipagpaliban ang pageant finale dahil sa COVID-19 outbreak.
Ayon sa mga organizer, gaganapin sa March 16, 2022 ang bagong coronation day na nakatakda sanang idaos noong nakaraang linggo.
Maglalaban-laban sa naturang pageant ang nasa 97 na kandidata mula sa iba’t-ibang bansa.
Kung saan inaasahang maiuuwi ng Pilipinas ang korona.
Matatandaang nakuha ng pambato ng Pilipinas na si Tracy Maureen Perez ang top 30 spot nang magwagi ito sa head to head challenge at mapili bilang isa sa kandidatang may Outstanding Advocacy Project sa fast track challenge. —sa panulat ni Joana Luna