Itinakda na ng Korte Suprema na tumatayo bilang PET o Presidential Electoral Tribunal ang petsa para sa manual recount sa lahat ng balotang nakapaloob sa inihaing protesta ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr laban kay Vice President Leni Robredo.
Kapwa kinumpirma ng mga kampo nila Robredo at Marcos na unang bibilangin ang mga lalawigan ng Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental na siyang nakapaloob sa inihaing electoral protest.
Gagawin ang manual recount sa ika-19 ng Marso ng taong ito sa Gymnasium ng CA o Court of Appeals sa Padre Faura sa lungsod ng Maynila.
Kahapon, personal na binisita ni Marcos ang lahat ng mga taga-suporta nito na sumugod sa harap ng high tribunal para magsagawa ng vigil sa pag-aakala ng mga ito na sinimulan na kahapon ang manual recount.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Bert Mozo
Posted by: Robert Eugenio