Gaganapin na sa Hulyo 25 ang Miss World Philippines 2021 pageant mula sa nauna nitong takdang petsa na sa Hulyo 11 dahil magiging kasabay ito ng Binibining Pilipinas pageant na nakatakda ring ganapin sa ika-11 ng Hulyo.
Ayon kay Arnold Vegafria, National Director ng Miss World Philippines, mas maraming oras ang maibibigay sa kanila upang makapaghanda kung sa Hulyo25 gaganapin ang patimpalak sa Mall of Asia Arena.
Giit ni Vegafria, ayaw niyang magkaroon ng conflict sa Bb. Pilipinas Charities kung magkakataon na magiging sabay na gaganapin ang Miss World PH at Bb. Pilipinas.
Dagdag nito, tiwala naman siyang masisiguro ang kaligtasan sa pagdaraos ng kompetisyon sa kabila ng pandemya.