Hindi na maaaring palawigin pa ang petsa ng ikinakasang overseas voting para sa 2022 elections.
Ayon kay Commission on Elections o Comelec commissioner Marlon Casquejo, magiging labag na sa Saligang Batas kung ipipilit na palawigin ang botohan.
Batay sa batas, pinapayagan lamang ang overseas voting hanggang sa araw ng botohan sa Pilipinas o sa Mayo 9.
Sa usapin naman ng delay sa overseas voting simula Abril 10, sinabi ni Casquejo agad itong naayos at isang araw lang ang naging antala.
Sa kasalukuyan, nasa 1,697,090 na ang bilang ng nagparehistrong Pilipino na nasa ibang bansa para makaboto ngayong halalan.