Nakatakdang ipalabas ng Korte Suprema ang resulta ng 2016 bar examinations sa Mayo 3.
Ito ang inihayag ni Supreme Court Spokesman Atty. Theodore Te sa sandaling matapos magsagawa ng Special En Banc Session ang mga mahistrado sa nasabing petsa.
Inaasahang tatalakayin ang passing grade kung saan, ibabatay iyon sa 75 percent sa ilalim ng rules of court para sa lahat ng subject upang makapasa ang isang bar examinee.
Batay sa pinakahuling tala, aabot sa 6800 mga bar examinees ang kumuha ng pagsusulit sa loob ng apat na Sabado ng Nobyembre nuong isang taon.
By: Jaymark Dagala