Isinasapinal pa ng pamahalaan ang petsa ng pamamahagi ng P500 ayuda para sa mga mahihirap na pamilya sa bansa.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Spokesperson Irene Dumlao, katuwang dito ang Department of Finance at Department of Budget and Management na inaasahang magtatagal ng 3 buwan.
Nitong Biyernes, nakipagpulong na ang DSWD sa mga economic managers para matukoy ang mga ilalatag na panuntunan at saan magmumula ang pondo.
Unang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na itaas ang ayudang ibibigay sa mga mahihirap na pilipino sa P500 mula sa naunang P200 pesos. —sa panulat ni Abby Malanday