Naglabas na ng petsa ang COMELEC o Commission on Elections para sa gaganaping debate sa pagka presidente at bise presidente bago ang eleksyon 2016.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, tatlong serye ng debate ang kanilang isasagawa para sa pgaka pangulo habang isang debate naman para sa pagka bise presidente.
Ang unang presidential debate ay gaganapin sa Mindanao, Pebrero 21 kung saan ang format ay dual moderator. Ang ikalawa ay sa Visayas, Marso 20 na siyang panel format. Habang town hall format debate naman ang mangyayari sa Luzon sa Abril 24.
April 10 naman, ang vice presidential debate na isasagawa sa Metro Manila.
Gaganapin ang mga nasabing debate sa mga araw ng linggo mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.
By: Jonathan Andal