Sa Abril 9 na ang posibleng huling laban ni Manny Pacquiao sa boxing.
Ito ang inihayag ni Top Rank Promoter Bob Arum sa panayam sa kanya ng ESPN.Com.
Ayon kay Arum, nagkausap sila ni Pacquiao sa New York noong nakaraang linggo nang tanggapin ni Pacman ang Asia Game Changer Award.
Sinabi anya ng Pambansang Kamao na sakaling manalo siya sa eleksyon sa Mayo sa pagka senador ay hindi na ito maaring sumabak pa sa boksing dahil kailangan anya nitong mag-focus sa trabaho sa senado at hindi dapat absent sa mga sesyon.
Samantala, hindi pa makumprima ngayon ni Arum kung sino talaga ang huling makakalaban ni Pacquiao sa Abril.
Pero ilan anya sa pinagpipilian ay sina Amir Khan, Terence Crawford, Juan Manuel Marquez at Timothy Bradley.
By: Jonathan Andal