Nanganganib na mag-alisan ang mga negosyante sa bansa sa oras na maipatupad na ang ikalawang bahagi ng Tax Reform Law.
Ito ang pinangangambahan ni Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director General Charito Plaza.
Ayon kay Plaza, nababahala ang mga kumpaniya sa loob ng mga economic zones dahil sa napapaloob sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law (TRAIN) ang pagputol sa kanilang mga tax incentives.
Taliwas umano ito sa nangyayari sa ibang bansa, kung saan lalo pang pinagaganda ang insentibong ibinibigay sa mga dayuhang kumpaniya upang makahikayat pa ng mas maraming foreign direct investments.
Bunsod nito, naghahanda na ang PEZA na maghain ng counter-proposal para kunsiderahin ang tax incentives ng mga negosyanteng nais na mamuhunan sa bansa.
RPE