Ipinagmalaki ng Pfizer Incorporated at German partner nitong BioNTech SE ang mahigit 90% pagiging epektibo nang ginagawang bakuna kontra coronavirus dusease 2019 (COVID-19).
Ayon sa mga nasabing kumpanya wala silang naitatalang seryosong safety concerns mula sa isinasagawang malawakang clinical trial ng nasabing bakuna.
Dahil dito ipinabatid ng Pfizer at BioNTech se na hihilingin nila ang go signal ng Estados Unidos ngayong buwan para sa agaran o emergency use ng nasabing bakuna.
Ikinagalak naman ng health experts ang findings ng Pfizer at German partner nito na siyang kauna unahang positibo sa lahat ng mga dini-develop na anti-COVID-19 vaccines lalo pat natututukan nito ang tamang target at patunay ng konseptong maaaring makaiwas sa COVID-19 sa pamamagitan ng bakuna.
Binigyang diin ni Albert Bourla, chairman at chief executive ng Pfizer na abot kamay na nila ang aniya’y critical milestone sa kanilang vaccine development program sa panahong kailangang kailangan ito ng mundo lalo pat patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Tiwala naman si BioNTech Chief Executive Officer Ugur Sahin na tatagal ng isang taon ang immunization effect ng bakuna.