Inaprubahan na ng Department of Health ang pagtuturok ng COVID-19 booster shots sa mga batang edad 12 hanggang 17.
Ayon kay Vaccine expert panel chief Dr. Nina Gloriani, tanging ang booster dose ng Pfizer ang inaprubahan dahil nagbigay ito ng datos at nag-apply ng Emergency Use Authorization sa Philippine Food and Drug Administration.
Hinihintay na lamang aniya ang guidelines dito at inaayos na lang ang ilang technicalities para makapagturok na ng booster dose sa nasabing age group.
Ang nasabing hakbang aniya ay upang matugunan ang humihinang immunity ng primary vaccine series laban sa COVID-19.