Posibleng ibenta na sa publiko ang COVID-19 vaccines ng Pfizer at Moderna, simula sa Setyembre o Oktubre.
Ayon kay Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez Jr., nag-apply na ng “full authorization” status mula sa World Health Organization (WHO) ang mga manufacturer ng mga nasabing bakuna.
Ang mga bakuna na nabibigyan ng full authorization ay puwedeng bilhin ng mga pribadong kompanya at direktang ibenta sa mga consumer.
Sa ngayon ay wala pa anyang bakuna laban sa COVID-19 na pinapayagan sa bansa na ibenta sa publiko dahil emergency use authorization lamang ang ibinibigay ng Food and Drug Administration (FDA).
Nangangahulugan itong lahat ng COVID-19 vaccine na dumarating sa bansa ay ibinibigay ng libre sa publiko. —sa panulat ni Drew Nacino