Pumirma na ng kontrata ang Pfizer na nag-o-otorisa sa malawakang global access ng kanilang experimental COVID-19 pill.
Ayon sa Pfizer incorporated, “promising weapon” ang kanilang oral drug na Paxloid pill bilang panlaban sa pandemya na maaring maging kapaki-pakinabang sa mga bansa at lugar na may limitadong access sa bakuna at mababang vaccination rate.
Nangyari ang kasunduan sa pagitan ng Pfizer at Medicines Patent pool na isang United Nations-Backed Public Health organization.
Sinabi ng Pfizer na batay sa kanilang interim analysis, 89% porsiyento ang naibabawas ng Antivaral pill sa tiyansang ma-ospital dahil sa COVID at pagkamatay bunga ng severe symptoms ng sakit.
Sa ngayon, hindi pa nagsusumite ang Pfizer ng authorization application sa US Food and Drug Administration para sa kanilang COVID-19 pill at nangakong maisakakatuparan ito bago matapos ang buwan.—sa panulat ni Joana Luna