Posibleng sa Abril na dumating sa Pilipinas ang bakunang gawa ng Pfizer na manggagaling sa Covax facility.
Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., tiniyak ng pamunuan ng World Health Organization (WHO) kay Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng bakuna ang Pilipinas na gawang Pfizer.
Dagdag pa ni Galvez, sa liham na ibinigay ng WHO, kanilang tinitiyak na makararating ang bakuna sa bansa basta’t lagdaan ng Pilipinas ang indemnification agreement.
Mababatid na halos 117,000 doses ng Pfizer coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines ang darating sa bansa mula sa Covax facility.
Paliwanang ng WHO, ito’y para matiyak na magkakaroon ng patas o fair access ang iba’t-ibang mga bansa pagdating sa usapin ng bakuna.