Walang ikakasang clinical trial sa Pilipinas ang pharmaceutical company na Pfizer para sa nilkha nilang potenisyal na bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ay ang inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos makipagpulong ang ilang kinatawan ng Pfizer sa opisyal ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Vergeire, natalakay lamang sa pulong ang regulatory process sakaling kailanganin nang ilunsad ng naturang pharmaceutical company ang kanilang bakuna sa Pilipinas.
Maliban dito, isinasaayos din aniya ang Confidentiality Disclosure Agreement (CDA) na kinakailangan bago bigyan ng access ng Pfizer ang Pilipinas para makabili ng dini-develop nilang bakuna kontra COVID-19.
Sinabi rin ni Vergeire, hindi na magsasagawa ng clinical trial sa Pilipinas dahil matatapos na ng Pfizer ang Phase 3 ng clinical trials ng kanilang bakuna sa Oktubre.