Itinuturing na pinaka epektibong bakuna kontra COVID-19 ang gawa ng kumpanyang Pfizer’s subalit batay sa pagsusuri kinakailangan itong maiimbak sa napakalamig na temperature gaya ng lamig sa Antartic winter na may katumbas na -70°C o -94 F.
Ayon kay WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus handa silang ipamahagi ang bakuna oras na available ito.
Samantala nauna nang naiulat ng Pfizer’s na 90% epektibo ang kanilang bakuna batay sa clinical test.—sa panulat ni Agustina Nolasco