Naglabas ng pahayag si general counsel ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) Attorney George S. Briones kaugnay sa pagsasapubliko ni Comelec commissioner Rowena Guanzon ng kaniyang desisyon sa disqualification case ni dating senador at presidential aspirant Bongbong Marcos.
Sa panayam sa DWIZ, sinabi ni Briones na wala pang desisyon ang Comelec first division hinggil sa naturang usapin.
‘Yan si commissioner Rowena Guanzon is a big disgrace to the legal profession…alam n ‘yo po mga kababayan ‘yan pong mga desisyon hindi po ‘yan niri-release e…kung hindi pa napirmahan. E alam n ‘yo po ba na kunware meron kang kaso, merong desisyon…hindi pa ‘yun napro-promulgate, nakakuha ka lang ng kopya…eh sentinsyado ka na po e. ‘yung abogado mo disbarred na e. Siya mismo na huwes na naglalabas ng desisyon na wala naman…ipinipilit n’ya po eh. Makukulong po ito at madidisbar po ito…
Sinabi pa ni Briones na wala nang naniniwala kay Guanzon.
Wala na pong naniniwala kay commissioner Rowena Guanzon…she violated of judicial ethics. E para po siyang si justice antonio carpio e na ginagamit ‘yung mga posisyon nila bilang mahistrado para siraan si senator Bongbong Marcos
Dagdag pa niya para maliwanagan ang mamamayan ay ito ang sinabi ng korte suprema kaugnay sa pagsasapubliko ng mga confidential na desisyon.
Any release of a copy to the public or to the parties of an unpromulgated ponencia in fringes on the confidential internal deliberations of the court…it is settled that internal deliberation of the court are confidential…what commissioner guanzon did is a breached of duty that amounts to a breached of public trust…because the committee believes that the leak was motivated by self-interest…
Samantala, nanawagan si Briones sa Comelec partikular kay commissioner chairman Sheriff Abas na aksyunan ang karumaldumal na ginawa ni commissioner Guanzon.