INIHAYAG ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na inampon nito si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang kandidato sa pagka-bise presidente sa 2022 elections.
Maliban dito, inendorso rin ng partido si Inday Sara bilang running mate ni dating Sen. Bongbong Marcos.
Naglabas ng resolusyon ang Executive Committee ng PFP matapos maghain ng kandidatura sa Comelec si Duterte-Carpio para sa pagka-pangalawang pangulo sa ilalim ng LAKAS-CMD.
Maliban dito, binanggit din sa PFP resolution na hindi ito nag-isyu ng Certificates of Nomination and Acceptance o CONA at wala rin itong mga opisyal na kandidatong senador at bise presidente sa halalan.
Samantala, ibinuking naman ni PCOO Secretary Martin Andanar na tatakbong bise-presidente si Pangulong Duterte sa susunod na taon.
Una rito, iniurong na rin ni Lyle Uy ang kanyang kandidatura sa pagka-pangalawang pangulo sa ilalim ng Lakas-CMD kung saan humalili naman sa kanya si Inday Sara.