HINIMOK ng Philippine Genome Center ang mga laboratoryo na accredited ng Department of Health o DOH na bilisan ang pagsusumite ng COVID-19 samples.
Ang panawagan ay ginawa ni PGC Executive Director Dr. Cynthia Saloma sa gitna ng paghahanda ng pamahalaan laban sa omicron variant.
Sinabi ni Saloma na kung magdodoble-kayod ang mga laboratoryo ay maaaring umabot sa 750 samples ang masusuri nila kada linggo.
Sa kasalukuyan, wala pang naitatalang kaso ng omicron variant sa Pilipinas pero may recorded cases na sa Thailand, Malaysia, Hong Kong, at Singapore na pawang katabi lamang ng ating bansa.