Pinawi ng Philippine Genome Center o PGC ang pangambang kumalat sa Pilipinas ang pinakabagong COVID-19 Mu variant na unang natuklasan sa Colombia.
Magugunitang nagbabala ang World Health Organization na ang mu variant ay nagiging ‘prevalent’ sa Colombia at Ecuador.
Ayon kay PGC Executive Director Cynthia Saloma, hindi pa dapat ika-alarma ang pagsulpot ng bagong variant.
Bagaman mayroon anyang ilang nakababahalang mutations, na katulad sa nakikita sa Alpha at Beta, iniimbestigahan pa ito at kailangan ng karagdagang pag-aaral.—sa panulat ni Drew Nacino