Pinaghahandaan na ng Philippine Genome Center (PGC) ang sequencing samples ng hinihinalang Monkeypox sakaling makapasok ito sa bansa.
Ito ang inihayag ni PGC Executive Director Dr. Cynthia Saloma kung saan nakikipag-ugnayan na sila sa DOH Epidemiology Bureau para bumuo ng protocols at sa mga test kits na gagamitin para suriin ang monkeypox virus.
Una nang sinabi ni Dr. Beverly ho ng doh na mahirap matukoy ang pagkakaiba ng monkeypox, measles, o chickenpox kaya’t pinapayuhan ang mga may sintomas na agad na mag-isolate at magpakonsulta sa doktor.