Walang nadiskubreng bagong variant ng COVID-19 sa 48 samples na nai-proseso ng Philippine Genome Center (PGC).
Ayon sa Department Of Health (DOH), sa nasabing bilang, naitala ang 23 coronavirus cases mula sa National Capital Region na karamihan ay galing Quezon City; 19 sa Calabarzon; apat sa Cordillera Region; at dalawa naman ang Returning Overseas Filipinos o ROFs.
Sinasabing nakarekober na ang pitong pasyente habang ang iba naman ay wala nang sintomas o itinuturing na lamang na mild cases.
Nabatid na may 48 samples pa ang isasalang sa genomic sequencing ngayong linggo, kabilang ang mula sa mga targeted areas.
Bagama’t wala pang nade-detect na UK variant ng COVID-19 sa ibang lugar, ibinabala ng DOH na dapat pa ring manatili o sumunod ang lahat sa minimum public health standards.