Dalawa sa bawat limang empleyado ng Philippine General Hospital (PGH) ang nagpopositibo sa COVID-19 araw-araw ayon kay Public Hospital’s Spokesman Dr. Jonas Del Rosario.
Bunsod nito, mas naghigpit aniya sila at malaking bagay ang naidulot ng pagpapatupad nila ng pagbabago.
Kabilang sa pagbabagong ipinatupad ng ospital ay ang pagtalaga ng safety officers na siyang titiyak na naipatutupad ang protocols , 14 day quarantine period at ang pagsusuot ng N95 masks.
Aniya, sa tuwing makakaranas ng sintomas o exposure sa COVID-19 ang manggagawa nito ay agad na isinasalang sa COVID-19 test.
Matatandaang 80% na ang PGH health workers ang nabakunahan kontra COVID-19 at karaniwan sa hindi nabakunahan ay hindi maaaring turukan dahil sa dinapuan na ito ng naturang virus habang ang ilan naman ay naka-quarantine.—sa panulat ni Agustina Nolasco