Inanunsyo ng pamunuan ng Philippine General Hospital (PGH) na pansamantala munang hindi tatanggap ng pasyente ang kanilang emergency room.
Ito ay upang matiyak na matutugunan ng PGH ang pangangailangan ng bawat pasyenteng tinamaan ng COVID-19.
Sa inilabas na abiso ng PGH, nakasaad na higit sa 100 na sa unang itinakdang 230 na bilang ng mga pasyenteng may COVID-19 ang naka-admit ngayon sa ospital.
Karamihan sa mga ito ay nangangailangan ng intensive care, high-flow oxygen, at ventilators.
Sinabi naman ng PGH na maaari namang makipag-ugnayan ang publiko sa kanilang transfer command center mula alas-6 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi. —sa panulat ni Hya Ludivico