Nanatiling sarado ang emergency room ng Philippine General Hospital (PGH) matapos ang insidente ng sunog.
Ayon kay Dr. Jonas Del Rosario, tagapagsalita ng PGH, humingi sila ng pahintulot sa local government para hindi muna sila tumanggap ng pasyente ngayong araw.
Marami pa kasi aniyang kailangang ayusin at marami rin umanong medical equipments ang naapektuhan sa sunog.
Dahil dito sinuspindi rin ng PGH ang lahat ng surgical operations.
Posible umanong bukas ay magbalik operasyon na rin ang emergency room ng PGH.