Inianunsyo ng Philippine General Hospital na hindi na sila tumatanggap ng mga malalang kaso ng sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Dr. Jonas Del Rosario, spokesman ng PGH, inilalaan na lamang nila sa mga pasyenteng naka confine ngayon sa PGH na posibleng lumala ang natitira pang espasyo sa kanilang ICU.
Sa ngayon kasi anya ay nasa 90 percent na ng kanilang ICU ang okupado.
Samantala, halos puno na rin anya ang nakalaang hospital beds para sa COVID-19.
Sa ngayon anya ay nasa 93 percent na ng 210 hospital beds para sa COVID-19 ang okupado.