Nilimitahan na ng Philippine General Hospital ang pagtanggap ng non-covid patients.
Ayon kay PGH Spokespeson Jonas Del Rosario, apektado na ang kanilang manpower ng tumataas na covid-19 admission.
Sa katunayan, aniya, mayroon nang ibinabang direktiba na tanging mga emergency cases na lamang ang kanilang tatanggapin.
Paliwanag pa ni Del Rosario, sa oras na bumaba ang bilang ng non-covid patients sa PGH, maaari na nilang i-assign ang mga non-covid personnel sa covid-19 operation.
Nabatid na mula sa halos dalawang libong health workers sa covid-19 operations ng PGH, nasa 40% dito ang kasalukuyang naka-quarantine at naka-isolate dahil sa covid-19.–Sa panulat ni Abie Aliño