Makatatanggap ang Philippine General Hospital o PGH ng tig-isang daang milyong piso kada buwan mula sa PAGCOR o Philippine Gaming Corporation.
Ito ang ipinag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng kanyang pagdating sa bansa mula sa South Korea.
Ayon sa Pangulo, minsan niyang tinawagan ang pamunuan ng PGH upang tanungin kung sapat na ang naturang pondo para sa maayos na serbisyo ng ospital.
Nagtulak umano sa Pangulo ay ang pagiging overcrowded ng pagamutan at balitang maging ang mga intern ay ang aambagan para tumulong.
Samantala, nais na isailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang direktang pamamahala sa mga tinawag niyang problematic na mga ahensya ng pamahalaan.
Sinabi ng Pangulo na magpapatupad siya ng radikal na pagbabago sa gobyerno sa mga darating na araw.
Aniya ang pagsasailalim niya sa Office of the President ay para ma-monitor niya ang galaw ng mga ahensyang hindi pinangalanan.
Bukod dito ay binanggit din ng Pangulo ang pagkakaroon ng pagbabago sa public order and security sa bansa.
—-