Nananawagan sa publiko ang Philippine General Hospital (PGH) na kung maaari ay huwag na munang lumabas ng bahay sa ilalim ng muling pagpapatupad ng Alert level 3 sa National Capital Region.
Ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng virus partikular na ang panibagong variant ng COVID-19 na Omicron.
Ayon kay PGH Spokesperson, Dr. Jonas Del Rosario, dapat na mas higpitan pa ng gobyerno ang pagpapatupad ng restriksiyon sa bansa dahil mas lalong tumataas ang naitatalang bilang sa kaso ng COVID-19.
Sinabi pa ni Del Rosario na ang mga essential workers lang dapat ang payagan ng IATF na makalabas at sundin ang 10-day isolation upang hindi na kumalat pa ang nakakahawang sakit. —sa panulat ni Angelica Doctolero