Mapipilitan ang Philippine General Hospital (PGH) na pansamantalang isara ang kanilang non-COVID-19 wards sakaling magpatuloy ang pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng tinatamaan ng naturang sakit.
Ito’y makaraang makapagtala ang DOH ng karagdagang 11,021 cases sa kahapon na pinaka-mataas sa nakalipas na halos apat na buwan.
Ayon kay PGH Spokesman, Dr. Jonas Del Rosario, mayroon lamang silang 225 dedicated beds sa ngayon kung saan 169 o 70% ang kasalukuyang okupado.
Kabilang sa mga naka-confine ang isang bagong silang at pitong iba pang batang edad 15 pababa. —sa panulat ni Drew Nacino