12 menor de edad na may Comorbidities ang unang nabakunahan kontra COVID-19 sa Philippine General Hospital (PGH) ngayong araw
Ito’y sa pagsisimula ng COVID-19 vaccination sa mga batang nasa edad dose hanggang disi syete anyos na may Comorbidities o Pediatric A3.
Ayon kay PGH Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, babakunahan lamang ngayong araw ang mga nagparehistro at bawal ang walk-in.
Maliban sa PGH, ilang ospital rin ang nagsilbing pilot vaccination sites para sa pagbabakuna sa mga bata.
Kabilang na rito ang Philippine Children’s Medical Center, Fe Del Mundo Medical Center, National Children’s Hospital, Philippine Heart Center, Pasig City Children’s Hospital, St. Lukes’s Medical Center at Makati Medical Center.
Sa ngayon ay Pfizer at Moderna pa lamang ang bakunang ginagamit sa mga bata matapos makatanggap ng Emergency Use Authorization ng gobyerno.