Itinigil muna pansamantala ng Philippine General Hospital (PGH) ang pagtanggap ng mga non-COVID-19 patients.
Sa abisong inilabas ng PGH, sinabi nito na ang naturang hakbang ay para matutukan ng kanilang mga health workers ang kapakanan ng mga pasyenteng dinapuan virus.
Dagdag pa ng PGH, na kailangan nilang palawakin ang mga pasilidad para makatanggap pa sila ng tumataas na bilang ng mga COVID-19 patients.
Sa huli, humingi ng paumanhin ang PGH sa publiko hinggil sa kanilang ginawang hakbang na para naman aniya sa pagbibigay ng kalidad na atensyong medikal sa mga higit na nangangailangan nito ngayong panahon.