Pinulong ng Climate Change Commission (CCC) ang mga Philippine Greenhouse Gas Inventory Management and Reporting System (PGHGIMRS) lead agencies.
Ayon kay CCC Deputy Executive Director Romell Antonio Cuenca, isinagawa ang aktibidad upang maisapinal ang 2015 at 2020 National Greenhouse Gas (GHG) Inventory.
Sa ilalim ng Executive Order No. 174 series of 2014, nilikha ang PGHGIMRS upang bumalangkas ng GHG inventory management at reporting system katuwang ang mga kinauukulang ahensya para sa paghahanda ng bansa laban sa pabago-bagong klima.
“Our sustained convergences like what we do today are instrumental in producing quality reports that are accurate, complete, and reflective of the prevailing national circumstances, as well as the needs and priorities of our focus sectors,” wika ni Cuenca.
Ang unang quarterly meeting ngayong taon ay nakatuon sa mga nalalabi pang hakbang sa pagsasakatuparan ng 2015 at 2020 National GHG inventories.
Sa pangunguna ng CCC, ang PGHGIMRS meeting, ay dinaluhan ng lahat ng member agencies, kabilang ang Department of Agriculture, Philippine Statistics Authority, Department of Environment and Natural Resources, Department of Energy, at Department of Transportation.