Itinalaga bilang bagong commanding general ng Philippine Air force si Lt. Gen. Galileo Kintanar.
Sa ginanap na turnover ceremony kahapon na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Clark Pampanga ay pormal nang pinalitan ni Kintanar ang nag retiro na si Lt. General Edgar Fallorina.
Si Kintanar ay miyembro ng Philippine Military Academy “Sandiwa” class of 1985 at naging pinuno ng AFP Western Command na pangunahing tagabantay ng bansa sa bahagi ng West Philippine Sea.
Maliban dito , pinamunuan rin ni Kintanar ang air education training command at air staff ng PAF; at siya rin ay naging commander ng 15th strike wing at chief of the AFP office of strategic studies.
Naniniwala naman si AFP Chief of Staff General Eduardo Año na maipagpapatuloy ni Kintanar ang mga magagandang programanng nasimulan ni Fallorina sa Philippine Air force.