Walang Pinoy na nadamay sa suicide car bomb sa Turkey.
Ito ang tiniyak ni Philippine Ambassador to Ankara Maria Rowena Sanchez matapos ang nangyaring pagsabog sa nasabing bansa.
Sa pinakahuling datos, hindi bababa sa 34 katao ang nasawi habang 125 ang nasugatan sa pag-atake sa Ankara.
Ito na ang ikalawang major attack sa Turkish capital sa loob lamang ng halos isang buwan.
By Meann Tanbio