Handang magpaliwanag ang pamunuan ng Philippine Army kaugnay sa isyu ng pagkakaantala sa delivery ng mga biniling kagamitan ng mga sundalo.
Ito’y matapos makuwestiyon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang delayed na pag-deliver ng mga bala at combat clothing para sa mga kawal ng gobyerno.
Base sa report ng Commission ng Audit o COA, sinabi ni Santiago na mahigit P596 million ang inilabas na pondo para sa bala, subalit mahigit P42 million na halaga ng bala pa lamang ang nai-deliver noong 2014.
Paglilinaw naman ng Phil. Army, bagama’t naantala ay dumaan lahat sa regulasyon ang pagbili ng mga ito at katunayan ay nagpaliwanag na sila sa COA hinggil dito.
By: Jelbert Perdez