Binawi na ng Philippine Army ang rekomendasyon nito na muling isailalim sa batas militar ang buong lalawigan ng Sulu.
Ayon kay Philippine Army Chief Lt/Gen. Cirilito Sobejana, ito’y bilang pagbibigay galang na rin sa sentimiyento ng ilang opisyal ng pamahalaan gayundin ay kung may iba pang magandang paraan para masugpo ang terrorismo sa lugar.
Gayunman, iginiit ni Sobejana na kumpara nuong batas militar ng rehimeng Marcos, mas kapaki-pakinabang aniya ang pagpapatupad ng martial law sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbigay kumpiyansa sa mga Mindanaoan.
Mula aniya nang ipatupad ang martial law sa Mindanao, malaki ang ibinaba ng kidnap for ransom cases sa lugar kung saan, mula 54 ay bumaba na ito sa tatlo.
Malaki rin ang ibinaba ng bilang ng mga bandido na kumikilos sa Mindanao mula nang ipatupad ang martial law na maituturing aniyang tagumpay sa panig ng pamahalaan.