Kumpiyansa ang hepe ng Philippine Army na mako-convict ang mga pulis nakapatay sa apat na sundalo sa Jolo Sulu.
Ayon kay Phil Army Chief Lt General Gilbert Gapay, ang maagap na pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot na pulis ay isang patunay na hindi bingi ang hustisya sa sigaw nilang katarungan para sa mga napatay na sundalo.
Pinuri ni Gapay ang mabilis na aksyon ng NBI sa pagsasampa ng kasong murder at planting of evidence laban sa mga pulis.