Magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Philippine Army sa pagkakapatay ng isang pulis sa isang dating sundalo sa Quezon City.
Ang imbestigasyon ay isasagawa ng army judge advocate na naatasan ring makipag ugnayan sa Philippine National Police (PNP).
Kinumpirma ng Army na nabigyan ng disability discharge ang napatay na si dating Corporal Winston Ragos nuong November 2017 matapos ma-diagnose na mayroon itong PTSD o diperensya sa isip.
Binigyang diin sa statement ng Philippine Army na maliban sa mga pisikal na sugat at pilat, may mga pilat rin sila sa pag iisip na karaniwang hindi nakikita ng mata.
Kasabay nito ay nagpaabot ng pakikidalamhati ang Philippine Army sa pagkamatay ni Ragos.