Patay ang isang opisyal ng Philippine Army sa engkuwentro sa pagitan ng mga sundalo at hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Labo, Camarines Norte.
Ayon kay 9th Infantry Division Spokesperson Maj. Gerjim Dimalibot, tinamaan sa dibdib si 2nd Lt. Jose Henry Nopueto Jr. na ikinasawi nito.
Si Nopueto ay miyembro ng Philippine Military Academy Class of 2017.
Iuuwi ang kaniyang mga labi sa Zamboanga Sibugay.