Nagkasundo ang Pilipinas at Cambodia na paigtingin ang kanilang programa kontra fake news.
Ito ay matapos lumagda sina Presidential Communications Secretary Martin Andanar at Cambodian Prime Minister of Information Khieu Kanharith sa isang ‘memorandum of cooperation’ kung saan nakatakdang sanayin ang kanilang mga tauhan sa larangan ng broadcast, print at online media.
Ayon kay Andanar, maliban sa pagsasanay ay magkakaroon din ng palitan ng balita at impormasyon hinggil sa ekonomiya at kultura sa telebisyon at radyo ang Pilipinas at Cambodia.
Kaugnay nito, naniniwala si Andanar na posibleng masolusyunan ang pagkalat ng fake news sa pamamagitan ng pagkakaroon ng improvement sa ‘social media literacy’ at pagsasagawa ng ‘public awareness’.
—-