Nagkasundo ang Pilipinas at China na huwag gumamit ng pwersa o anumang banta kaugnay sa pinagtatalunang West Philippine Sea.
Sa isang joint statement, inihayag ng Dalawang bansa na kapwa sila naniniwalang hindi dapat maging balakid sa kanilang relasyon ang paghahabol sa iisang teritoryo.
Kinatigan ng Pilipinas at China ang bawat isa sa paniniwalang mahalaga ang kapayapaan maging ang kalayaan sa paglalayag.
Mareresolba, anila, ang pag-aagawan sa West Philippine Sea sa mapayapang paraan.
By: Avee Devierte