Ilang kasunduan ang nilagdaan ng Pilipinas at Israel.
Kabilang dito ang memorandum of agreement kaugnay sa pansamantalang employment ng home-based Filipino caregivers na naglalaying mabawasan ang placement fee na sinisingil ng recruitment agencies sa caregivers na nais mag trabaho sa Israel.
Batay sa data mula sa Philippine Embassy sa Tel Aviv, 24,000 mula sa 28,000 Pilipino sa Israel ang caregivers.
Lumagda naman sina Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano at Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez sa kasunduan hinggil sa scientific cooperation at memorandum of intent para sa collaboration ng bilateral direct investment sa panig ng gobyerno ng Pilipinas.
Kapwa sinaksihan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang paglagda sa mga nasabing kasunduan sa tanggapan mismo ng Israeli premiere sa Jerusalem.
Dumating sa Israel kahapon ng umaga ang Pangulong Duterte na kauna unahang pangulo ng Pilipinas na bumisita sa Israel simula nang maisulong ang diplomatic relations ng dalawang bansa nuong 1957.