Unti-unti ng lumalalim at tumatatag ang ugnayan ng Pilipinas at Russia.
Ito’y matapos magkasundo ang mga opisyal ng dalawang bansa para sa mabilis na pagsasapinal ng draft agreement na po-protekta sa karapatan at kapakanan ng mga Filipino sa Russia maging ng mga Russian sa Pilipinas.
Ayon kay Philippine Ambassador to the Russian Federation Carlos Sorreta, isang hakbang na lamang ang Pilipinas at Russia upang mapatatag ang bilateral agreement ng dalawang bansa.
Umaasa anya sila na sa ilalim ng kasunduan ay lalawak ang kalakalan, investment, tourism, education at culture ng Pilipinas at Russia.
By Drew Nacino